Texas teenagers, nahuling binabaon ang katawan ng pinatay nilang estudyante!

  • 9 years ago
Texas teenagers, nahuling binabaon ang katawan ng pinatay nilang estudyante!



Nagkagulo sa isang North Texas high school, matapos makasuhan ng first degree murder ang dalawang estudyante, na pumatay sa isang estudyante.

Ang 17-year-old na si Ivan Mejia ay pinatay ng dalawa niyang 16-year-old na schoolmates, sa likod ng Wylie East High School, Sabado ng gabi -- at pagkatapos ay tinapon sa gitna ng mga puno sa Garland, Texas.

Tinawag ang Garland police sa isang kasuspe-suspetsang sasakyan na nakahinto sa tabi ng kalsada.

Nang hinalukay nila ang gubat, namataan nila ang dalawang teenager, na tumakbo.

Kaya hinintay ng pulis na bumalik sa kotse ang dalawang lalaki.

Nang tinanong sila kung ano ang ginagawa nila, inamin ng isang lalaki na binabaon nila ang katawan ng biktima.

Hinalukay muli ng pulis ang gubat, at nahanap nila ang katawan ni Ivan Mejia.

Ayon sa pulis, planado ang pagpatay kay Mejia.

Ang mga suspect ay hindi pa naipapakilala sa publiko dahil sila ay menor de edad.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended