Florida teenagers, pinatay ang isang police officer, at nagpakamatay pagkatapos!

  • 9 years ago
Florida teenagers, pinatay ang isang police officer, at nagpakamatay pagkatapos!


Teenagers, binaril ang isang pulis sa Florida, bago nagpakamatay!

Isang central Florida police officer ang namatay, matapos ang isang shooting, sa isang mayaman na residential area sa Orlando, Linggo ng umaga.

Si Officer Robert German ay naglalakad habang nagpa-patrol, at tumawag siya ng backup nang napansin niya ang dalawang kasuspe-suspetyang tao.

Apat na Orange County deputies, isang Orlando, at isang Ocoee police officers ang dumating sa eksena, at natagpuang nasaktan at nakahiga sa kalsada si German. Nakarinig din sila ng pagpapaputok ng baril.

Natagpuan nila ang katawan ng isang lalaki at isang lalaki, na nagpakamatay diumano, gamit ang kanilang baril.

Ang lalaki ay ang 18-year-old na si Brandon Goode, na kailan lang ay naaresto dahil sa droga, at ang babae naman ay ang girlfriend ni Goode na si Alexandria Hollinghurst, na walang criminal record. Pareho silang residente ng Davenport.

Naniniwala ang pamilya ni Hollinghurst na pinatay muna siya ni Goode, bago niya pinatay ang kanyang sarili.

Si German ay dinala sa ospital, pero hindi na siya naligtas. Ang footage mula sa kanyang lapel camera ay kasalukuyang nire-review.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended