VIDEO: Instant Karma para sa isang bastos na driver sa Tampa, Florida!

  • 9 years ago
VIDEO: Instant Karma para sa isang bastos na driver sa Tampa, Florida!



Instant karma, para sa road rage redneck na ito!

Ang viral video na ito, na napanood na ng mahigit tatlong milyong tao sa loob ng dalawang araw, ay pinost sa YouTube ni "Florida Driver" noong Miyerkules. Sinimulan niyang kunan ang lalaking ito, na tinailgate siya ng ilang minuto, bago niya nilampasan at binigyan ng middle finger si "Florida Driver."

Pagkatapos, ay nawalan ng kontrol sa kanyang truck ang road rage driver, na nag-crash sa isang poste ng kuryente sa kabilang panig ng State Route 41, sa Tampa. Natawa si "Florida Driver," na isang babae, ay napasigaw ng, "Iyan ang nakuha mo! (karma)"

Ang lalaki ay nakaalis mula sa eksena, pero dahil naging viral ang video na ito, siya ay nakilala rin bilang 33-year-old Jefferey Travis White, at siya ay nakasuhan na ng pulis ng pagtakas mula sa eksena ng isang aksidente.




For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended