Ama, nahuling sabay maligo ang teenager na anak at boyfriend; bugbog sarado ang lalaki!

  • 9 years ago
Ama, nahuling sabay maligo ang teenager na anak at boyfriend; bugbog sarado ang lalaki!


Isang ama, nahuling nagsha-shower ang kanyang teenager na anak na babae at ang boyfriend nito!

Isang lalaki sa Georgia ang naaresto, matapos niyang asultuhin ang teenager na boyfriend ng anak niyang babae.

Maagang napauwi si Clinton Ward, at akala niya ay may kausap sa telepono ang kanyang stepdaughter. Pero may narinig din siyang boses ng lalaki, at siya ay nanggigil.

Nagpunta siya sa sala at hinintay na matapos maligo ang mag-syota. Naka-twalya lang ang babae, at ang lalaki ay nakahubad.

Tinulak ni Ward sa tabi ang kanyang anak, at pinagsusuntok ang mukha at dibdib ng boyfriend nito. Pagkatapos, ay tumawag siya sa pulis, na tinawagan ang ina ng lalaki, na pinaaresto si Ward -- na nakasuhan ng battery at cruelty to children.

Pero panoorin natin ulit ang mga nangyari.
Lalaki, umuwi sa bahay, nakita ang isang lalaking nasa shower kasama ang kanyang anak na babae, sinuntok ang lalaki, tinawagan ang pulis, at siya ay naaresto. Mali ba ang dating sa inyo ng kuwentong ito?

Kung ang sagot niyo ay oo, marami kayong kaparehas ng opinyon. Matapos kumalat ang istoryang ito, maraming nagsabing tama ang ginawa ni Ward bilang isang ama. Pinagtanggol pa nga siya ng kanyang landlady.

Ano sa tingin niyo -- si Ward ba ay father of the year, o karapat-dapat na maaresto? Mag-iwan ng opinyon sa comments.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH