Pulis sa Florida, binaril ang lalaking nakikipag-sex sa swimming pool!

  • 9 years ago
Pulis sa Florida, binaril ang lalaking nakikipag-sex sa swimming pool!



Pulis sa Florida, binaril ang isang lalaking nagse-sex sa kanyang swimming pool.

Ang pakikipag-sex sa swimming pool ay madalas na ipakita sa mga pelikula, at maraming tao na rin ang nagsabing popular din ang gawaing ito sa tutoong buhay. Iyon nga lang...kung gagawin mo ito, siguraduhin mong ito ay gagawin mo sa sarili mong pool.

Dahil kung ginawa mo ito sa pool ng ibang tao, maaring mangyari sa iyo ang nangyari sa isang lalaki sa Florida.

Noong Linggo, March 30, isang off-duty police officer ang pabalik sa kanyang apartment sa Boca Raton, nang nakarinig siya ng ingay mula sa private pool ng apartment complex.

Pag-imbestiga ng pulis, nadiskubre niya ang isang mag-syota na hindi nakatira sa complex, at nagse-sex sa pool!

Pagkatapos na ipakilala ang kanyang sarili sa dalawa bilang isnag off-duty na pulis, pinaalis niya ang mga ito.

Pero hindi nagtagal, at nakita niya ulit ang dalawa, na bumalik sa pool para sa round 2!

Kinumpronta ulit ng pulis ang dalawa, pero ang lalaki na si Tony Ribiero, at tinagkang hampasin ng bote ng alak ang pulis.

Binaril ng ilang beses ng pulis si Ribiero, na sa ngayon ay nasa kritikal na kondisyon.

For the record...9 out of 10 safety experts ang nagsasabing ag pakikipag-sex sa pool ng iba ay hindi okay -- pati na rin ang pagbaril sa isang taong nakalublob sa pool, kung saan may chlorine at sex-related na kung anu-ano.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH