200 teenagers, tinakot at inasulto ang isang pamilya sa Louisville!

  • 9 years ago
200 teenagers, tinakot at inasulto ang isang pamilya sa Louisville!


Malaking grupo ng galit na teenagers, tinakot ang pamilyang nakasakay sa isang kotse.

Pamilya na may limang bata, na-terrorize ng grupo ng teenagers!

Parang eksena sa isang pelikula: ang pamilya ni Viola Loeffler ay inatake ng isang army ng bayolenteng teenagers sa isang kalsada sa Louisville, Sabado ng gabi.

Alas otso ng gabi, nagmamaneho ang boyfriend ni Loeffler, nang bigla silang tinamaan ng isang basurahan sa isang intersection.

Lumabas ang lalaki para mag-imbestiga, at doon siya inatake ng mga teenagers.

Bumalik ang lalaki sa kotse para mailayo ang mga bata sa gulo, nang pinagbabato na sila ng mga teenagers.

Si Loeffler ay malakas na nasuntok sa mukha ng isa sa mga attackers; ang mga bato ay tumama sa kotse, at pati na rin sa mga bata.

Ayon kay Loeffler, hindi malinaw ang mga pangyayari matapos ang pagkasuntok sa kanya, pero nakaligtas ang pamilya sa isang nalalapit na food mart, hanggang sa dumating ang pulis.

Nagkaroon ng pinsala sa kanyang mukha si Loeffler, at ang lima niyang anak ay na-trauma at nangangailangan ng counseling.

Naniniwala si Loeffler na ang mga teenager ay nasa limampu hanggang isang daan. Ayon sa security camera footage na ito mula sa nalalapit na gas station, at ayon sa pulis, nasa mahigit dalawang daang tao ang sangkot sa may halos labimpitong insidente na naganap sa iisang gabi. At so far, isang pag-aresto pa lang ang nagagawa ng pulis.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended