Lalaki sa Malawi, pinakain sa hyena ang kanyang penis, dahil yayaman daw siya!

  • 9 years ago
Lalaki sa Malawi, pinakain sa hyena ang kanyang penis, dahil yayaman daw siya!


Isang Malawian na lalaki ang pumayag na ipakain sa isang hyena ang kanyang kalalakihan, matapos siyang sabihan ng isang witch doctor na ang paggawa nito ay magpapayaman sa kanya.

Ang 20-something na si Chamangeni Zulu ay nagtatrabaho sa Zambia, nang nakilala niya ang isang witch doctor, na nagsabing ang pagsakripisyo ng kanyang mga body parts, ay ang kaisa-isang paraan para makamit niya ang kanyang mga pangarap. Hinulaan pa raw ng wicth doctor na may makikilang hyena si Zulu.

Noong March 24, alas kwatro ng umaga, nagpunta sa kagubatan si Zulu nang nakahubad, at may naengkwentro nga siyang hyena! Hinayaan niyang kainin ng hyena ang tatlo niyang daliri sa paa, at pati na rin ang kanyang kalalakihan.

Natagpuan siya ng padaan na pulis patrol, sa tabi ng kalsada, at dinala sa ospital. Wala pa rin siyang pera, ay ngayon ay wala na rin siyang kalalakihan, at daliri sa paa.

Ayon kay Zuku, hindi malinaw na sinabi ng witch doctor kung aling body parts ang kailangan niyang isakripisyo para siya'y yumaman.

Mukhang may positibong personalidad ang lalaki, dahil sinabi pa niya sa isang local newspaper na kahit na nagdaan sya sa napakasakit na pangyayari, umaasa siyang yayaman pa rin siya...balang araw.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended