Marijuana vending machine, available na sa Colorado!

  • 9 years ago
Marijuana vending machine, available na sa Colorado!


Isang vending machine na nagbebenta ng marijuana para sa mga recreational users ang na-unveil sa Colorado noong Biyernes!

Ang Zazz Machine, gawa ng American Green, ay nagbebenta ng iba't ibang klaseng marijuana, mula purple dank at sour diesel...hanggang sa mga edibles na gaya ng benja gum at keef cola.

Ang mga customers ay kakailanganing i-scan ang kanilang mga ID, para mapatunayan na sila ay over 21 years old.

Pagkatapos, ay tatayo sila sa designated area para ma-verify ang kanilang ID.

Iilang mga camera na gumagamit ng advance biometrics ang maaring makapagkumpirma na ang taong nakatayo ay ka-match ng ID na nai-scan.

Lahat ng mga naibentang produkto ay ita-track gamit ang RFID chips, para maiwasan ang pagnakaw sa mga ito.

Ang vending machine ay nakakatulong rin sa mga buyers, na manatiling somewhat anonymous.

Who knows -- baka sumakay sa Buddha bandwagon ang mga tao dahil dito.

Ang Colorado ay isa sa dalawang estado sa US kung saan legal ang recreational marijuana.

Ang Zazz Machine ay hindi pa available para sa publiko sa ngayon, pero naniniwala kami na malapit na rin itong maging mainstream.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended