35-year-old na cold case, na-solve salamat sa tagtuyot sa Texas!

  • 9 years ago
35-year-old na cold case, na-solve salamat sa tagtuyot sa Texas!


Cold case na ilang dekada, nalutas din, salamat sa isang tagtuyot!

Ang record low na water levels sa isang lawa sa Texas ang nagpakita sa bangkay ng isang babaeng nawala, tatlumpu't limang taon nang nakalipas.

Ang tagtuyot sa taong ito, kung saan malubhang nabawasan ang water level ng Granbury lake sa Texas, ang dahilan ng pagpapakita ng bangkay ng isang babaeng, tatlong dekada nang nawawala, matapos makipag-away sa kanyang asawa.

Inalerto ng isang Granbury city worker ang pulis, nang napansin niyang may kotseng nakasilip mula sa lawa.

Hinila ng pulis ang kotse, na isang 1973 Chevy na nasa pagma-may-ari ni Helen Holladay, na nawala noong 1979.

Natagpuan rin nila kung ano ang maaring natira sa bangkay ng babae sa loob ng kotse.

Si Holladay ay huling nakita ng mga kapitbahay noong September 29, 1979, matapos ang isang bayolente at madugong away laban sa kanyang asawa na si Herman Holladay. Nireport dawn g lalaki sa pulis na nagmanehong paalis mula sa kanilang bahay si Helen, sakay ang Chevy.

Ilang beses ding hinalukay ng mga awtoridad ang lawa, pero wala silang nakita. Si Helen ay nai-declare na patay noong 1986, pero hindi nahanap ang kanyang katawan. Dahil sa tagtuyot itong taon, hindi na natakpan ng tubig sa lawa ang kotse na kanyang ginamit, tatlogn dekada nang nakalipas.

Naging suspect noon ang asawa ni Helen na si Herman, pero hindi siya nakasuhan ng krimen dahil walang sapat na ebidensiya. Pero ayon sa pulis, dahil naka-posisyon ang kotse nang malayo sa kalsada, maaring hindi aksidente ang pagkalubog nito sa lawa.

Hindi na ito ang unang beses na natulungan ni Mother Nature ang pulis sa paglutas ng mga cold cases. Noong isang taon, isang tagtuyot din ang nakapagpakita ng isang kotse sa sapa sa South Dakota, na noong isang linggo lang ay nakumpirmang sinakyan ng dalawang babaeng nawala noong 1971.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended