Lalaking may pantyhose fetish, nang-harass ng babae sa bus!

  • 9 years ago
Lalaking may pantyhose fetish, nang-harass ng babae sa bus!

Lalaking may stocking fetish, nang-harass ng babae sa bus.

Isang lalaking mahilig sa nylong stockings ang nagsasabing siya ay may mental illness -- pero isa lang siyang regular na pervert.

Ang 45-year-old na Taiwanese na lalaki ay nahuling mino-molestiya ang isang 30-year-old na babaeng nakaupo sa tabi niya sa isang bus kahapon.

Magkatabi daw ang dalawa sa bus na mula Taipei hanggang Jilong. Ang suspect na si Chiu ay hinipuan ang hita ng babae, nang napausog nang kaliwa't kanan ang bus. Gumamit din siya ng isang A4 na document folder para takpan ang kanyang mga kamay. At sinara pa niya ang kanyang mga mata habang ginagawa ang kung anu-ano.

Nagalit ang babae, at sinabi sa driver ng bus kung ano ang nangyayari. Sinabi ni Chiu na hindi niya sinasadyang mahawakan ang babae.

Huminto ang driver sa isang police station, at nireport ng isa pang pasahero ang insidente sa pulis. Nang namalayan ni Chiu na maaring siyang masita nang seryosohan, lumuhod siya sa harap ng lahat ng tao, at humingi ng tawad.

Mayroon daw siyang mental illness, at ipinakita pa niya ang isang disability card...pero ito ay card ng kanyang kapatid. At nang napansin ito ng mga pulis, ay umamin na rin si Chiu na hindi lang niya matiis na hindi hipuan angb mga babaeng nakasuot ng stockings.

Si Chiu ay nakasuhan ng harassment at forgery.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended