South Korean plastic surgery - sa sobrang galing, naging immigration issue!

  • 9 years ago
South Korean plastic surgery - sa sobrang galing, naging immigration issue!


South Korean plastic surgery, masyadong magaling, nagiging problema sa immigration!

Wow, sino ang magandang babaeng ito?

Ay! Ano ba yan, bakit pumangit yung mukha?!

Teka...sila ba ay iisang tao?! Paanong nangyari ito?

Hindi ito voodoo o witchcraft...ito ay South Korean plastic surgery! Ayon sa Daily Mail, may mga taong hindi makalusot sa immigration sa mga Chinese airports. Bakit daw?

Dahil kayang baguhin ng South Korean na doktor ang iyong mukha, pero hindi niya mababago ang iyong passport! Kung ako yan hindi ko rin siya papapasukin eh.

Dahil dito, ay nag-o-offer ng mga certificates ang iilang mga clinic sa South Korea, kung saan pinaliliwanag ang kanilang ginawang pagbabago sa mukha ng mga customer -- na nagpagawa man ng hiwa sa talukap ng mata, nagpatangos ng ilong, nagpaliit ng mukha, o nagpa-lipo, ay hindi na talaga kahawig ng kanilang mga litrato sa passport.

Tandaan: mababago mo ang iyong mukha, pero hindi ang iyong DNA.





For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended