• 9 years ago
Makeup blogger Poppy, nag-share ng waterprof makeup ideas para sa mga protesters sa Taiwan!


Sikat na makeup blogger, tuturuan tayong gumamit ng waterproof makeup!

Nag-fire ng mga water cannons ang pulis sa Taiwan, para mapaalis ang mga anti-nuclear protesters sa isang main boulevard sa Taipei, noong Lunes. Salamat sa tutorial na ito, ay hindi na kailangang mag-alala ng mga babaeng protesters, na masisira ang kanilang makeup, sa mga ganitong klaseng sitwasyon.

Pinost ng sikat na makeup blogger na si Poppy, ang kanyang top ten favorite na waterproof cosmetics, at ang post na ito ay nakakuha ng lampas 20 million hits, sa loob ng isang araw! Buti na lang, dahil ilang oras lang ang nakalipas, at nag-fire ulit ng water cannons ang mga pulis, laban sa mga protesters.

Ayon kay Poppy, madalas siyang makisali sa mga rally, at naisipan niyang ibahagi ang kanyang paboritong waterproof cosmetics, para siya -- at ang kanyang mga readers -- ay hindi masisira ang beauty, habang sila ay nilalabanan ng mga awtoridad.

Ang top ten list ni Poppy ay may halo-halong klase ng cosmetics, at ang pinakamura sa mga ito ay nasa dollar fifty lang! Bukod sa makeup, sinabihan rin niya ang mga babaeng protesters na gumamit ng sunscreen at lip gloss, para hindi sila ma-sunburn. At, kapag gamit nila ang lip gloss na ito, ay siguradong mas kapansin-pansin sila habang nakasuot sila ng kulay itim na protest shirt.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended