Hey Lady! Sports Girl of the week: Water skier, Xu Yi-Ting!

  • 9 years ago
Ito ang gating Hey Lady! Sports Girl of the week: ang water skier na si Xu Yi-Ting (徐依婷)!

Ito si Miss Sunshine, Yi-Ting, na nagpunta sa Japan, walong taon nang nakalipas, para mag-snowboard. Naaliw siya sa sport na ito, ay mula noon ay taon-taon siyang nagpupunta sa Japan para dito, at sa taong ito, ay sinubukan niyang mag-snowboard nang naka-bikini.

Dahil bihirang mag-snow sa Taiwan, ay natuto siyang mag-water ski.

Kahit na hindi siya magaling mag-swimming, kayang-kaya naman niya ang water skiing. Napaka-exciting ng water skiing, na minsan ay parang lumilipad ka. Kung gusto mong matuto, simulan mo lang sa mga simple jumps, isa o dalawnag buwan matapos mong mag-beginners course -- at mula doon, practice lang ng practice hanggang sa masanay ka. Sa loob ng anim na buwan, ay maari mo nang talunin ang dalawang alon sa iisang talon lang.

Ang water skiing ay isang sport na pwedeng pag-aralan kahit na hindi tayo magaling na mag-swimming. Si Yi-Ting ay nasa ikalimang taon na ng pag-water ski, at siya ay proud na proud sa kanyang sarili.

Isa pang benefit ng pag-water ski, ay ang healthy lifestyle na dala nito. Maaga siyang natutulog, at maagang nagigising, para maabutan ang mga alon sa umaga. Kaya rin ang ganda ng kanyang katawan!

Kapag hindi siya nagwa-water ski, siya ay kumukuha ng mga litrato, at naghahanda para sa kanyang susunod na modeling shoot. Bukod sa pagkuha ng litrato para sa kanyang mga water skiing clients, mahilig din siyang kumuha ng litrato ng mga hayop.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category

🗞
News

Recommended