Teacher, binigyan ng lap dance ang 15-year-old na estudyante, sa harap ng buong klase!

  • 9 years ago
Teacher, binigyan ng lap dance ang 15-year-old na estudyante, sa harap ng buong klase!


Middle School teacher, binigyan ng lap dance ang isang 15-year-old na estudyante, bilang birthday gift -- sa harap ng buong klase!

Ang 42-year-old na middle school teacher na si Felicia A. Smith ay naaresto, matapos siyang magbigay ng lap dance sa isa sa kanyang mga estudyante, sa gitna ng klase.

Ayon kay Smith, ang kanyang mga estudyante ang nagsabi sa kanyang sayawan ang teenager.

Ang 15-year-old na birthday boy ay pinaupo sa isang upuan, sa harap ng klase, bago siya binigyan ng 'full-contact' lap dance ni Smith.

Sa isang punto pa raw ay nawalan ng balance si Smith at nahulog sa birthday boy, at nagtawanan ang mga estudyante.

Apat na minutong nagtagal ang lap dance, kung saan pinaghihimas daw ni Smith ang katawan ng estudyante, at pinayagan niya itong hawakan at paluin ang kanyang puwit.

Inilagay pa ni Smith ang kanyang ulo sa pagitan ng legs ng estudyante...at tinapos ang kanyang routine sa pagyakap sa teenager, sabay sabing, "I love you baby, happy birthday."

Siyempre, nang siya ay na-kuwestiyon tungkol sa insidente, inamin ng teenager na siya ay na-arouse sa lap dance na bigay ng teacher.

Si Smith ay naialis na sa campus, at ang kanyang bail ay naka-set sa 30,000 dollars.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH