Babae sa Atlanta, binaril ang isang tanga-tangang carjacker, gamit ang baril nito!

  • 9 years ago
Babae sa Atlanta, binaril ang isang tanga-tangang carjacker, gamit ang baril nito!

Carjacking 101...matutong mag-drive!

At oo...matutong mag-drive, pati ng mga stick shift!

Hindi nagawa ni Sebastian Fontana ang carjacking 101...kaya hindi maayos ang kinalabasan ng kanyang ginawa, Sabado ng gabi.

Matapos niyang pilit na pasukin ang kotse ng isang babae, sa Poncey-Highland sa Atlanta, naidskubre ni Mr. Genius na ang kotse ay manual pala.

Habang pinag-aaralan niya ang gear shift, nilagay niya ang kanyang baril sa kanyang kandungan...na matapang na kinuha ng babae!

Walang baril at hindi makapag-maneho, kinagat nitong carjacker nang dalawang beses ang babae! Kaya, ginamit ng babae ang baril ng carjacker, at binaril ito.

Ayon sa mga saksi, nag-iiyak at nagrereklamo daw sa sakit ang walang kuwentang carjacker, nang inaresto siya ng pulis.

Naligtas naman itong si Fontana, at siya ay haharap sa kalahating dosenang kaso...gamitin niya sana ang kanyang oras sa bilangguan, para pag-aralan ang mga manula transmissions!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended