Serial Pooper! Lalaki, tinataihan ang bakuran ng mga residente sa Woodland Heights, Texas!

  • 9 years ago
Serial Pooper! Lalaki, tinataihan ang bakuran ng mga residente sa Woodland Heights, Texas!


Serial pooper on the loose! Lalake, tinataihan ang mga bakuran sa isang komunidad sa Texas!

Bakit tumatae ang mga oso sa gubat? Dahil doon sila nakatira. Kung bakit tumatae ang isang lalake sa mga bakuran ng mga residente sa Woodland Heights, Houston, Texas, ay mas mahirap intindihin.

Isang nakakalbo, at may bigoteng lalake ang nag-iiwan ng tae sa mga bakuran at driveway sa buong neighborhood.

Pinakagusto niya ang isang bahay sa Byrne Street...sa sobrang daming beses na niyang tumatae doon, ay naglagay ng camera ang mga homeowners, at nahuli siya sa akto.

Ang serial pooper na ito ba ay isa lamang underappreciated na organize fertilizer?

O baka natalo siya sa isang pustahan laban sa kanyang aso?

Nagpupunas naman daw itong serial pooper, matapos siyang tumae...pero tinatapon din niya ang pamunas sa tabi ng tae. Ano namang klaseng katarantaduhan ito?

Ayon sa pulis, hinahanap nila ang serial pooper. Oras lang ang kailangan, dahil marami silang DNA evidence na maaring gamitin laban sa suspect!

Ayon din sa pulis, ang suspect ay puti at nakakalbong lalake, na mahilig pumasok sa teritoryo ng iba, at tumae sa mga lugar na iyon.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended