Lalake sa Florida, kumuha ng selfie kasama ang drugs at cash, habang katabi ang isang police car!

  • 9 years ago
Lalake sa Florida, kumuha ng selfie kasama ang drugs at cash, habang katabi ang isang police car!


Facebook user sa Florida, naaresto matapos mag-post ng drug-related selfie!

Ito ang Facebook photo ni Taylor Harrison, na may drogang nakasiksik sa kanyang bibig.

Ito ang Facebook photo ni Harrison, na may hawan na bag na puno ng droga, sa tabi ng isang police car.

Ito ang litrato ni Harrison, sa Martin County jail noong Huwebes.

As if kailangan pa natin ng dahilan para mainis sa mga selfies...
Isang lalake sa Port St. Lucie, Florida, ang naaresto, matapos siyang mag-post ng mga litrato niya na may hina-handle na droga, sa Facebook.

Akala niya kasi ay matutuwa ang kanyang mga kaibigan na malaman na napakadaling maging drug dealer, sa Martin County.

Kaya huminto siya sa tabi ng isang police car, at naglabas ng cash at drugs...at nag-pose para sa isang litrato.

Ibinigay naman sa kanya ng Martin County Sheriff's Office ang publicity na kanyang hinahanap -- pinost nila ang mga litrato ni Harrison sa kanilang Facebook page. Kabilang sa mga litrato ang isang kuha kung saan nagbebenta si Harrison ng marijuana sa mga undercover officers, at ang mugshot ng 20-year-old.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended