VIDEO: Florida Boynton Beach Police, tinadyakan ang isang 13-year-old na bata!

  • 9 years ago
Florida Boynton Beach Police, tinadyakan ang isang 13-year-old na bata!

Panoorin ang police officer na ito, na sinipa si Kevens Jeanbaptist, habang nanonood ang isang grupong mga bata mula sa bus.

Nakasakay din sa bus na iyon si Jeanbaptist, bago nangyari ang insidente kasama ang mga pulis.

Sinabihan siya ng bus driver na huwag buksan ang bintana.

Ayon kay Jeanbaptist, may babaeng nag-spray ng pabango, at dahil may asthma siya, kailangan niya ng fresh air.

Huminto ang bus driver, at nagtawag ng pulis.

Dumating ang mga pulis, at inalis ang dalawang bata mula sa bus. Dito nagsimula ang video.

Mukhang na-choke hold ng officer si Jeanbaptist.

Pero hindi nagpatalo si Kevens, at sinaway ang mga pulis. Siya ngayon ay pagbabayarin nila dahil dito.

Panoorin natin ulit.

Sinipa ng officer ang legs ng lalake, para bumagsak ito.

Ayon sa Boynton Beach Police Chief, alam nila ang tungkol sa sitwasyon na ito.

Isa sa mga officers ang nailagay sa administrative duty, hanggang sa matapos ang imbestigasyon.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended