Dalawang teenagers sa Florida, nagnakaw ng kotse, hindi sinasadyang na-kidnap ang isang baby!

  • 9 years ago
Dalawang teenagers sa Florida, nagnakaw ng kotse, hindi sinasadyang na-kidnap ang isang baby!


Grand Theft Auto -- OK; Kidnapping -- NOT OK!

Dalawang teenager sa St. Petersburg, Florida, ang hindi na mabawi ang kanilang ginawa, nang nagnakaw sila ng kotse, at nadiskubreng may baby na nakasakay sa likod nito!

Nakita ng mga teenagers ang Toyota Highlander, at ninakaw ito, habang naglilipat ng kasangkapan sa church ang mga may-ari ng sasakyan.

Noong una, ay masayang nagmanehong paalis ang mga teenagers, hanggang sa napansin nila na may pangatlong pasahero ang kotse -- ang 10-month-old na anak na babae ng may-ari!

Dahil ayaw nilang maaresto para sa kidnapping, nagdesisyon silang iwanan ang baby sa harap ng isang bahay sa neighborhood na iyon.

Nagtawag ng pulis ang homeowner, at naibalik din ang baby sa kanyang mga magulang, nang hindi nasasaktan.

Iniwan din ng mga teenagers ang sasakyan sa ibang lugar, na natagpuan din, makalipas ang limang oras.

Hinahanap pa rin ng pulis ang dalawang suspect. Sigurado kaming hinding-hindi na iiwan ng mga magulang ang kanilang baby nang nag-iisa, sa kotse!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended