Romanian TV star, nam-blackmail ng surgeon para sa libreng boobs!

  • 9 years ago
Romanian TV star, nam-blackmail ng isang plastic surgeon para mabigyan siya ng libreng boob job!

Malaking gastos ang bagong boobs, mas lalo na kung ito ay ikawalong beses mo nang gagawin. Kaya siguro sinubukan ng 40-year-old na Romanian TV presenter na si Oana Zavoranu na makuha ito ng libre.

Nakakapitong breast enlargement surgeries na si Zavoranu, na binayaran niya, at isinagawa ni Dr. Marek Valcu.

Imbes na bayaran ang kanyang ikawalong pares ng boobs, blinackmail niya ang doktor; magre-release daw siya ng 'compromising information' tungkol sa doktor.

Nang nagpunta si Zavoranu sa opisina ng doktor sa Bucharest para tumanggap ng pera sa halagang 12,000 US dollars, inaresto siya ng mga undercover police.

Siya ngayon ay ini-interrogate ng mga pulis, bago mapapasa ang report sa mga prosecutors. Ayan kasi...hindi na nakuntento!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH