Dalawang teenagers, nag-sex sa balcony, nahulog at namatay!

  • 9 years ago
Dalawang teenagers, nag-sex sa balcony, nahulog at namatay.

Ang 19-year-old na Russian na babaeng si Anastasia Tutik, at ang 18-year-old na Mexican na lalaking si Miguel ay namatay habang sila ay nagse-sex sa balcony ng Knight's Tower apartments sa London.

Isang witness sa apartment building na katapat nila ang nakakita sa dalawang teenagers sa balcony, habang may party sa loob. Mukhang nagpunta sila sa balcony para magsarili.

Ayon sa saksi, ilang beses na binuhat ni Miguel si Anastasia, at pinauupo ito sa banister.

Ang sumunod na nangyari ang hinding-hindi malilimutan ng witness.

Nawalan ng balance ang dalawa, at nahulog mula sa balcony! Nahulog sila mula sa taas na 60 feet, at bumagsak sa kalsada.

Isang babae sa second floor ang nakarinig ng sigaw ng isang babae, at isang malakas na ingay.

Ang witness na si Samson Oguntayo ang nauna sa eksena, at nakita niyang patay ang dalawang teenagers.

Ayon sa isa sa mga kaibigan ni Miguel, kararating lang ni Miguel sa London noong isang linggo, para sa summer classes -- at noong gabing iyon lang sila nagkakilala ni Anastasia.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended