World Cup 2014: Suarez, kinagat si Chiellini; Greece, natalo ang Ivory Coast!

  • 9 years ago
World Cup Roundup: Suarez, kinagat si Chiellini; Greece, natalo ang Ivory Coast!

Ang huling laro sa Group D ay nagsimula nang hindi naman nakakagulat, nang naglaban ang England at Costa Rica, 0-0.

Ang lahat kasi ng excitement ay napunta sa laro sa pagitan ng Italy at Uruguay...kung saan nangati ang ngipin ni Luis Suarez, na kinagat si Giorgio Chilellini.

Iniimbestigahan ng FIFA ang insidente, pero dahil may dalawang beses na siyang insidente ng pangangagat, magagawa kaya ng FIFA na bigyan ang star biter ng Uruguay ng "three bites and you're out" policy?

Fresh na fresh pa ang kagat sa balikat ni Chiellini, nang nag-score ng winning goal si Diego Godin ng Uruguay. Ito malamang ang pinakahuling World Cup performance ng Italian player na si Andrea Pirlo.

Sa Group C naman, umabot sa tatlong pagkapanalo ang Colombia, na natalo ang Japan, 4-1, salamat sa isa na namang goal mula sa star striker na si James Rodriguez, na nagsagawa ng last 16 tie sa Uruguay.

Ang pinakama-dramang sandali sa araw na iyon ay nangyari sa Fortaleza, kung saan nakakuha ng last-minute goal ang Greece, na natalo ang Ivory Coast. Ang goal na ito ay penalty, na nakuha ni Samaras, na nawasak ang pangarap ng mga Ivory Coast fans -- at pinaghahandaan ng mga Costa Rica fans.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended