Teacher na nakipag-sex sa estudyante, nahuling nagtatago sa ilalim ng kama!

  • 9 years ago
Teacher sa UK, na nakipag-sex sa isang estudyante, natagpuan ng ina ng estudyante sa ilalim ng kama!

Ang ina ng isang 16-year-old na babae ang umuwi nang maaga isang araw, para lang makita ang kanyang anak na magulo ang buhok, at nagkalat ang lipstick sa mukha.

Napansin ng ina ang isang pares boots na panlalake malapit sa kama, at natural ay nagtanong ito kung ano ang nangyayari.

Nang nakita niyang may gumagalaw sa ilalim ng kama, tinanong niya ang anak niya kung ano ang ginagawa nito at kung sino ang nadoom. Ang sagot ng teenager: "Mr. Welsch."

Si Mr. Welsch ay ang kanyang 36-year-old na math teacher, na may asawa!

Natural ay pinalabas ng ina si Andrew Welsch mula sa ilalim ng kama. Nang siya ay naaresto, sinabi ni Welsch na hindi naman niya naisip na may ginagawa siyang mali, dahil tapos na sa school ang babaeng teeanger.

Pero may mga text messages sila habang nasa school pa ang babae...kabilang na rito ang isang message, kung saan sinabi ng teacher na, "nabalitaan mo ba ang tungkol sa math lessons ko? Ituturo ko sayo kung ang 35 ay maaring ipasok sa 16."

Umamin si Welsch sa anim na bilang ng sexual activity with a child while in a position of trust. Siya ay makukulong nang labing-apat na buwan, at nautusang gumawa ng dalawang daang oras ng community service.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended