YIKES: Saksakan at barilan sa BET Awards pre-parties sa LA!

  • 9 years ago
Mga lalake, nasaksak at nabaril sa pre-parties para sa BET Awards
sa LA!

Dalawang magkaiba pero parehong bayolenteng insidente -- isang stabbing at isang shooting -- ang nangyari, Sabado ng gabi at Linggo ng umaga, sa pre-show parties sa LA para sa BET Awards.

Ang unang insidente ay nangyari sa loob ng Lure NightClub, sa Hollywood noong Sabado. Isang lalake na nasa kanyang 30s ang nasaksak sa dance floor, 8:45 ng gabi, matapos ang isang away.

Makikita sa video na nakahiga sa bangketa sa labas ng club ang biktima, na nasaksak nang dalawang beses sa kanyang abdomen. Naghihintay siya ng tulong, habang nagpapatawag ng ambulansiya sa pulis ang kanyang kaibigan.

Ang pangalawang insidente naman ay nangyari noong Linggo, 5:17 ng umaga, sa Monalizza Restaurant and Banquet sa North Vermont Avenue. Isang lalake ang nagpaputok ng baril ng iilang beses, sa mga partygoers, bago siya tumakbong paalis.

Isang lalake ang namatay, at apat na tao ang nasaktan. Hindi nalalaman kung ano ang kanilang kondisyon.

Wala pang naaresto sa dalawang insidenteng ito. Ayon sa isang BET rep, ang dalawang party kung saan nasaktan ang mga tao ay "unauthorized" at hindi konektado sa official awards events.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH