Nanny from Hell, pumayag nang umalis sa bahay ng kanyang employers sa California!

  • 9 years ago
Nanny from Hell, pumayag nang umalis sa bahay ng kanyang employers sa California!


Nanny nightmare ng mag-asawa sa California, malapit nang matapos!

Matapos ang isang buwan, ang live-in nanny, o yaya, na ayaw magtrabaho pero ayaw ring umalis mula sa bahay ng kanyang mga employers sa California, ay payag na raw na umalis...sa sarili niyang terms.

Nagsimula ang drama noong March, nang hinire ni Marcella Bracamonte at ng kanyang asawa ang 64-year-old na si Diane Stretton na maging part-time housekeeper, at full-time nanny ng tatlo nilang anak. Kasama sa kanilang usapan ang libreng tirahan para kay Stretton, at maayos naman ang lahat noong umpisa.

Pero makalipas ang ilang linggo, nagsimulang magkulong sa kanyang kuwarto ang nanny, at biglang napatigil sa pagtrabaho.

Nagtawag ng pulis ang mag-asawa, pero dahil ang ganitong mga insidente ay civil issue, hindi maaring makialam ang mga pulis.

Sinabihan nila ang mag-asawa na idaan ang kasong ito sa court system, para masimulan ang eviction process, na maaring umabot ng ilang buwan.

Samantala, nagpatuloy sa legal na pagtira si Stretton sa bahay nila, nang hindi nagbabayad ng rent. Sinubukan pa niya diumano na pahirapan ang mag-asawa sa loob ng sarili nilang bahay.

Para mapalayas ang nanny, nai-disconnect na ng mag-asawa ang cable at wifi, at naglagay sila ng lock sa refrigerator.

Sa wakas, ay nakakuha din ng good news ang kawawang pamilya. Matapos mag-setup ang TV news ng mga camera sa labas ng kanilang bahay, in-announce ng nanny na balak niyang umalis sa bahay sa July 4th, basta maayos ang panahon.

Sana nga ay matuloy siya...pero base sa kanyang pag-uugali so far...mukhang malabong tutupad siya sa kanyang pangako.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended