High school cheerleader sa New Jersey, nabaril at napatay - execution-style!

  • 9 years ago
High school cheerleader, nabaril at napatay, execution-style!

Kaka-graduate lang ni Cheyanne Bond mula sa Malcolm X Shabazz High School sa New Jersey, noong isang linggo.

Walang nakakakilala sa kanya ang maaring mahulaan na sa ganitong paraan magtatapos ang buhay ng Newark teenager na ito.

Ang 17-year-old, na tinukoy ng kanyang mga kaibigan na tahimik at masipag, ay kabilang sa cheerleading squad ng kanyang high school, at may ambisyon na maging nurse.

Bandang 9:45 ng gabi noong Linggo, si Bond at isa pang 17-year-old na kaibigan ay naglalakad sa South 17th Street, nang nilapitan sila ng isang attacker, at inutusan silang lumuhod sa kalsada.

Si Bond ay nabaril sa ulo, execution-style. Ang kanyang kaibigan ay naligtas at kasalukuyang nagpapagaling.

Nag-release ng surveillance footage ang mga imbestigador, kung saan makikita ang dalawang lalake na naglalakad sa kalsada, ilang sandali lamang matapos ang shooting.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended