Babae, humihingi ng food stamps habang nakasakay sa isang Mercedes Benz!

  • 9 years ago
Mula mayaman hanggang pobre: pwede ka bang mag-apply ng welfare habang nagmamaneho ng Mercedes Benz?

Masama talaga ang ekonomiya ngayon. Habang paangat na ito kumpara sa mga nakaraang taon, marami pa ring naghihirap sa Estados Unidos.

Para sa mga apektado, unti-unting naglaho ang pag-asa; unang nawala ang kotse, sumunod na nawala ang bahay...

Pero para sa ibang tao, gaya ni Diane Cunha, mas mabilis ang mga pangyayari.

Nakakaloka ang 2008 para sa kanya. Ang ina ng kambal na babae ay nawalan ng kayamanan, at napilitang magpunta sa Women, Infants and Children office, o WIC, para kumuha ng food stamps...habang sakay ang 2003 Mercedes Benz ng kanyang asawa.

Noong isang taon lamang, ay isa siyang producer ng isang local TV news show. Pero mabilis na nagbago ang ihip ng hangin. Nalaman niyang siya ay buntis! Manganganak siya ng kambal!

Nagdesisyon siyang maging stay at home mom. Nag-propose ang kanyang boyfriend, at bumili sila ng isang magandang bahay. Wala pang isang buwan ay nabawasan ng mahigit kalahati ng halaga ang bago nilang bahay. Isa pang buwan ang lumipas, at nawalan ng trabaho ang kanyang boyfriend.

Makalipas ang dalawang linggo, ay nanganak si Diane, pero ang kambal na babae ay kalahati lang ng normal na bigat at nangailangan ng extrang pag-aalaga at sustansiya.

Wala nang choice si Diane kungdi mag-apply para sa welfare.

Ang Benz lang ang tanging kagamitan na nabayaran nila nang buo; ang nag-iisang bagay na natitira na nasa kanyang pagma-may-ari. At ito rin ang dahilan kung bakit hiyang-hiya siyang magpunta sa WIC.

Natuto si Diane ng mahalagang leksiyon sa buong pangyayari. Ang pagiging mayaman o mahirap ay isang kondisyon o pagkakataon, at hindi basehan ng halaga ng bawat tao. Umasenso na rin ang kanyang pamilya, pero nasa sa kanila pa rin ang Mercedes, para hindi nila malimutan kung gaano kabilis na maaring mawala ang lahat.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH