Kanye West, hindi na nakatiis; sinabi kay DJ Mano: "You're fired!"

  • 9 years ago
Kanye West, finire si DJ Mano dahil masyado siyang magaling!

Ayon sa Internet tsismis, may hindi pagkakaunawaan sa Yeezyland, dahil nagdesisyon si Kanye West na itigil ang kanyang professional relationship kasama si DJ Mano…maaring dahil hindi magaling mag-DJ si Mano, o masyado siyang mahilig na galitin si Kanye.

Nasanay daw si Mano na magkamali sa mga live sets ni Yeezy…at dahil masyado itong madalas na mangyari, gumawa ng nakakatawang compilation ng pinakamalaking pagkakamali ni Mano ang mga fans ni Kanye.

Makikita sa video na nagkamali ng pagpapatugtog ng kanta si Mano, o hinihinaan ang kanta para kumanta ang mga fans…pero nakakalimutan niyang ibalik ang kanta kaya nauuwi sa awkward silence si Kanye at ang kanyang mga fans.

Ang pinakanakakatawa sa lahat ay kapag nagagalit si Kanye at sinisigaw niya ang pangalan ni Mano, pero wala pa ring epek.

Habang naghahanap ng bagong DJ si Kanye, balita namin ay tinutulungan niya ang asawa niyang si Kim Kardashian sa kanyang book of selfies. Yup, true story!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category

🗞
News

Recommended