VIDEO: Mga frat boys, pinasok ang rival frat house - pero napakapalpak ng kanilang lookout!

  • 9 years ago
Mga frat boys, nag-breaking and entering sa isang rival frat house, at namili ng pinakapalpak na lookout sa buong mundo!

Isang smartphone video na nakunan ng isang saksi ang nagpapakita sa sandaling anim na fraternity brothers mula sa Phi Tau House ng isang Ohio university ang nahuling pinapasok ang Kappa Alpha House.

Nahuli sa clip, na may iilang minuto ang haba, ang isang kakaibang komprontasyon, nan gang lookout ng mga frat boys ay hindi naman mapilit na sinabihan ang saksi na huwag nang kumuha ng video. Nang naisipan niyang kailangan niya ng backup, tinawag ng mukhang nalilitong backup ang kanyang mga kaibigan, na pinuntahan ang cameraman, at tinangkang kunin ang phone nito.

Isang commenter sa Reddit ang nagsasabing siya ang kumuha ng video, at ito ang kanyang kuwento tungkol sa mga nangyari pagkatapos ng video:

“I’m fine, bouncer ako sa isa sa mga local bars. Sinundan nila ako nang three blocks, habang sinusubukan nilang agawin ang cell phone ko. Papatayin daw nila ako, at pinagsusuntok at pinaghahampas nila ako ng isang bag ng bagels(?!) Pagdating ko sa bar ay pumasok ako, at wala nang problema. Hindi ko masasabi kung ano ang nangyari pagpasok ko sa bar, pero okay naman ako.”


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended