VIDEO: Snorkeler, nakaaway ang isang kayaker sa HK marine park!

  • 9 years ago
Kayaker versus Snorkeler: ang away na nakunan sa isang GoPro camera!

Isang snorkeler, kinumpronta ang isang kayaker na ilegal na nangingisda, at nanakot pa na papatayin niya ang snorkeler!

Ang agresibong komprontasyon na ito ay nangyari sa isang popular na snorkeling spot sa Hoi Ha Wan Marine Park, sa Hong Kong, noong isang linggo. Si Mr. Fong ay katatapos lang mag-snorkeling nang nakasalubong niya ang isang grupong kayakers.

Napansin ni Fong na isa sa mga kayakers ang may dalang ilegal na fishing equipment. Nang nakita ng kayaker na palapit sa kanya si Fong, ay mabilis niyang tinago ang kanyang ilegal na kagamitan sa likod ng kayak.

Ayon kay Fong, sinabihan niya ang kayaker na bawal mangisda sa marine park. Sagot dawn g kayaker: “kelan mo ko nakitang nangisda?” Sagot ni Fong: “Nakita kita!” Pagkatapos, ay sinabi diumano ng kayaker na papatayin niya si Fong, na obviously ay natakot.

Patuloy silang nagkasagutan, at ayon kay Fong ay umabot ito sa punto kung saan hinampas na siya ng kayaker, gamit ang kanyang paddle. Sinabi ni Fong na magtatawag siya ng pulis.

Ayon kay Fong, ang unang pagkakamali ng kayaker ay ang pangingisda sa marine park. Pangalawa, hinamon niya si Fong at sinabing papatayin niya ito. Baka nainis ang kayaker na kinukunan siya ni Fong, pero ang pagkuha ng video ang tanging paraan na masiguro ni Fong na hindi siya masasaktan.

Ang insidente ay iniimbestigahan pa ng mga pulis.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category

🗞
News

Recommended