VIDEO: Rare white tiger, pinatay ang isang lalaki sa New Delhi Zoo!

  • 9 years ago
Rare white tiger, pinatay ang isang lalaking nahulog sa loob ng enclosure sa New Delhi Zoo!

Noong Martes, nagpunta si Magsood Khan sa New Delhi Zoo, at doon niya nakita si Vijay – isang napakabihirang white tiger.

Ayon sa mga saksi, nadulas siya at nahulog, posible habang nagtatangka siyang kumuha ng litrato. Pero ayon sa mga zoo officials, maaring nakainom si Khan at kusang tumalon sa enclosure.

Ayon sa mga saksi, lumapit ang tigre sa lalake, at nagsimula silang magkatitigan nang labinlimang minuto, habang pinag-isipan ng tigre ang kanilang sitwasyon.

May mga nagsabing maaring hindi lumala ang sitwasyon, kung hindi natakot ng mga eyewitness ang tigre, na kanilang sinigawan at hinagisan ng bato.

Pagtagal, ay sinugod din ng tigre ang malas na lalake; ginamit ng tigre ang kanyang bibig para kaladkarin ang lalake sa leeg. Nakakatakot ang footage ng insidente.

Ayon sa mga zoo officials, may mga tranquilizer guns na may tatlong daan at limampung talampakan ang layo mula sa tiger enclosure, pero hindi na sila umabot para maligtas ang lalake.

Final verdict: Ang mga tigre ay kayang pumatay ng mga tao, kaya may bakod na naghihiwalay sa kanila sa atin sa mga zoo.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended