VIDEO: Aussie teenager, naging racially abusive sa isang train guard!

  • 9 years ago
Mga racists sa isang tren: Teenager, inabuso ang isang train guard!

Sa Australia, ay bihirang makakita ng snakes on a plane, pero medyo regular na ngayon ang makakita ng mga racists sa tren. Dalawang teenagers ang nakasuhan matapos makunan ng video at naipost sa YouTube ang kanilang pagiging racially abusive sa isang tren.

Makikita sa video ang 17-year-old na si Kader Boumzar, na inaabuso ang isang African na train guard. Bakit? Dahil sinabihan siya ng guard na ibaba ang kanyang paa mula sa upuan.

Mabilis na pinagmumura ng racist na teenager ang guard, habang ang kanyang kaibigan, na tawa ng tawa, ay kumuha ng video.

Sa wakas, nang malapit nang matapos ang video, ay napaalis na rin ng mga pasahero ng tren ang dalawang lasing na teenagers. Nagtapos ang video nang bumaba sila mula sa tren.

Mabilis na naging viral ang video. At ano ang unang ginawa ni Boumzar? Nagpunta siya sa Facebook para sabihan ang mga tao na masyadong OA ang kanilang reaksiyon. Gusto rin niyang malaman nating lahat na siya ay quote, “proud to be white.”

Pagkatapos, ay sinisi niya ang nainom niyang alak…pero hindi naman magandang excuse ang pagkalasing para sa pagiging racist.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category

🗞
News

Recommended